Si Aquior naman, pagkarinig sa lahat ng ginawa ng Diyos ng Israel, ay sumampalataya na sa Panginoon. Siya ay nagpatuli bilang pagsunod sa utos na tinutupad ng mga Judio. Ganap siyang nakiisa sa sambahayan ni Israel hanggang wakas.