5. Dinala siya ng mga tauhan ni Holofernes sa isang tolda at doon siya natulog.
6. Nang madaling-araw na, gumising si Judith at nagpasabi kay Holofernes, “Panginoon, maaari po bang iutos ninyong ako'y payagang lumabas at manalangin?”
7. Iniutos naman ni Holofernes sa kanyang mga tauhan na palabasin sa kampo ang babae. Tatlong araw siyang namalagi sa kampo at gabi-gabi'y lumalabas siya sa kapatagan ng Bethulia upang maligo sa bukal.