20. Nasiyahan si Holofernes at ang lahat ng kasama niya sa mga sinabing iyon ni Judith. Namangha sila sa kanyang karunungan.
21. Sabi nila, “Sa buong daigdig ay walang babaing makakapantay sa kagandahan at katalinuhan niya.”
22. At sinabi ni Holofernes, “Salamat sa Diyos sa pagsusugo sa iyo rito mula sa inyong bayan upang bigyan kami ng tagumpay at ng kapahamakan naman sa mga humamak sa aking hari!