Judith 10:20-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

20. Maya-maya, lumabas ang bantay ni Holofernes at lahat ng katulong niya at dinala si Judith sa loob ng tolda.

21. Nagpapahinga si Holofernes sa kanyang higaang may kulay ubeng kulambo na ginayakan ng ginto, esmeralda, at iba pang bato.

22. Nang sabihin sa kanya na naroon na ang babae, lumabas siya sa kanyang tulugan. Mayroong mga tagadala ng mga ilawang pilak sa unahan niya.

23. Lahat sila'y humanga sa kagandahan ni Judith. Nagpatirapa naman ito sa harapan ni Holofernes, subalit siya'y itinayo ng mga alipin.

Judith 10