Judith 10:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Matapos manalangin sa Diyos ng Israel, tumayo si Judith

2. at tinawag ang kanyang lingkod na babae saka bumabâ at pumasok sa silid na tinitigilan niya kung Araw ng Pamamahinga at mga kapistahan.

3. Hinubad niya ang damit-panluksa, gayon din ang kanyang kasuotang pambiyuda. Pagkatapos, naligo siya at nagpabango. Sinuklay niya ang kanyang buhok at nilagyan ng mga palamuti. Nagbihis siya ng pinakamagara niyang damit na ginagamit niya kapag may mga tanging kasayahan noong nabubuhay pa ang kanyang asawang si Manases.

Judith 10