Juan 9:38-40 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

38. “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus.

39. Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.”

40. Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?”

Juan 9