Juan 8:36-39 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

36. Kayo'y tunay na lalaya kapag pinalaya kayo ng Anak.

37. Nalalaman kong mula kayo kay Abraham, ngunit pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat ayaw ninyong tanggapin ang aking mga aral.

38. Ang nakita ko sa aking Ama ang siya kong sinasabi sa inyo, at ang narinig ninyo sa inyong ama ang siya namang ginagawa ninyo.”

39. Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.”Sinabi sa kanila ni Jesus, “Kung kayo'y tunay na mga anak ni Abraham, tinularan sana ninyo ang kanyang ginawa.

Juan 8