Juan 8:15-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Humahatol kayo ayon sa mga pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman.

16. At humatol man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi lamang ako ang humahatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin.

17. Nasusulat sa inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang saksi.

18. Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin ang Ama na nagsugo sa akin.”

19. Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong ama?”Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo kilala ang aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.”

Juan 8