Juan 7:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Hindi ba't ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Bakit wala ni isa man sa inyo ang tumutupad nito? Bakit nais ninyo akong patayin?”

20. Sumagot ang mga tao, “Isa kang hangal! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?”

21. Sumagot si Jesus, “Isang bagay pa lamang ang ginawa ko'y nagtataka na kayong lahat.

22. Ibinigay sa inyo ni Moises ang utos tungkol sa pagtutuli kahit na hindi ito nagmula sa kanya kundi sa inyong mga ninuno, at ginagawa ninyo ito kahit Araw ng Pamamahinga.

Juan 7