Juan 4:28-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

28. Iniwanan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon,

29. “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Cristo?”

30. Kaya't lumabas ng bayan ang mga tao at nagpunta kay Jesus.

31. Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.”

32. Ngunit sumagot siya, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman.”

Juan 4