Juan 15:10-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

10. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.

11. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan.

12. Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.

13. Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

14. Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos.

Juan 15