Juan 13:21-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Pagkasabi nito, si Jesus ay labis na nabagabag at nagpahayag sa kanila, “Pakatandaan ninyo: ako'y pagtataksilan ng isa sa inyo.”

22. Nagsimulang magtinginan ang mga alagad sapagkat hindi nila alam kung sino ang kanyang tinutukoy.

23. Katabi noon ni Jesus ang alagad na minamahal niya,

24. kaya't sinenyasan siya ni Simon Pedro at sinabihan, “Itanong mo nga kung sino ang tinutukoy niya.”

Juan 13