Juan 11:50-53 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

50. Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti sa atin na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, kaysa mapahamak ang buong bansa?”

51. Hindi mula sa kanyang sarili ang sinabi niyang ito. Bilang pinakapunong pari nang taon na iyon, ipinahayag niyang dapat mamatay si Jesus alang-alang sa kanilang bansa

52. upang tipunin ang mga nakakalat na mga anak ng Diyos.

53. Mula noon, pinag-isipan na nila kung paano maipapapatay si Jesus.

Juan 11