Juan 11:34-39 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

34. “Saan ninyo siya inilibing?” tanong ni Jesus.Sumagot sila, “Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.”

35. Tumangis si Jesus,

36. kaya't sinabi ng mga Judio, “Talagang mahal na mahal niya si Lazaro!”

37. Sinabi naman ng ilan, “Napagaling niya ang bulag, bakit hindi niya nahadlangan ang pagkamatay ni Lazaro?”

38. Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na natatakpan ng malaking bato.

39. “Alisin ninyo ang bato,” utos ni Jesus.Ngunit sumagot si Marta, “Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay.”

Juan 11