Juan 11:11-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Idinugtong pa ni Jesus, “Natutulog ang kaibigan nating si Lazaro. Pupunta ako upang gisingin siya.”

12. “Panginoon, kung natutulog lang po siya ay gagaling siya,” sagot ng mga alagad.

13. Ang ibig sabihin ni Jesus ay patay na si Lazaro, ngunit ang akala ng mga alagad ay talagang natutulog lamang ito.

Juan 11