Josue 10:14-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Kailanma'y hindi pa nangyari at hindi na muling mangyayari na si Yahweh ay sumunod sa isang tao at nakipaglaban sa panig ng Israel.

15. Pagkatapos nito, si Josue at ang mga tauhan niya ay bumalik sa Gilgal.

16. Nakatakas ang limang hari at nagtago sa yungib ng Makeda.

17. Ngunit may nakaalam na doon sila nagtago, at ito'y ipinasabi kay Josue.

18. Kaya't iniutos ni Josue, “Takpan ninyo ng malalaking bato ang bunganga ng yungib at inyong pabantayan iyon.

Josue 10