Jonas 2:6-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok,sa libingan ng mga patay.Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.

7. Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga,naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin,at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.

8. Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosanay hindi naging tapat sa inyo.

9. Ngunit aawit ako ng pasasalamatat sa inyo'y maghahandog;tutuparin ko ang aking mga pangako,O Yahweh na aking Tagapagligtas!”

10. Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.

Jonas 2