6. Binihag ninyo at inilayo sa kanilang bayan ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem at ipinagbili sa mga Griego.
7. Pauuwiin ko na sila mula sa mga dakong pinagtapunan ninyo sa kanila. Ipararanas ko naman sa inyo ang ginawa ninyo sa kanila.
8. Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda upang ipagbili naman nila sa mga Sabeo.” Iyan ang sinabi ni Yahweh.
9. “Ipahayag mo ito sa mga bansa:Humanda kayo sa isang digmaan.Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma,tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo!
10. Gawin ninyong tabak ang inyong mga araroat gawing sibat ang mga panggapas.Pati ang mahihina ay kailangang makipaglaban.
11. Pumarito kayo agad,lahat ng bansa sa paligid,at magtipon kayo sa libis.”O Yahweh, ipadala mo ang iyong mga hukbo.
12. “Kailangang humanda ang mga bansaat magtungo sa Libis ng Jehoshafat.Akong si Yahweh ay uupo roonupang hatulan ang lahat ng bansa sa paligid.
13. Ubod sila ng sama;gapasin ninyo silang parang uhaysa panahon ng anihan.Durugin ninyo silang parang ubas sa pisaanhanggang sa umagos ang katas.”
14. Libu-libo ang nasa Libis ng Jehoshafat,hindi magtatagal at darating doon ang araw ni Yahweh.
15. Hindi na magliliwanag ang araw at ang buwan,at hindi na rin kikislap ang mga bituin.
16. Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh,mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig;nanginginig ang langit at lupa.Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan.
17. “Sa gayon, malalaman mo, O Israel, na ako si Yahweh ay iyong Diyos!Ang aking tahanan ay ang Zion, ang banal na bundok.Magiging banal na lunsod ang Jerusalem;hindi na ito muling masasakop ng mga dayuhan.
18. Sa panahong iyon, mapupuno ng ubasan ang mga kabundukan;bakahan ang makikita sa bawat burol,at sasagana sa tubig ang buong Juda!Dadaloy mula sa Templo ni Yahweh ang isang batis,na didilig sa Libis ng Sitim.