1. Sinabi ni Yahweh,“Pagsapit ng araw na iyon,pasasaganain kong muli ang Juda at ang Jerusalem.
2. Titipunin ko ang lahat ng bansaat dadalhin sa Libis ng Jehoshafat.Doon ko sila hahatulanayon sa ginawa nila sa aking bayan.Pinangalat nila sa iba't ibang bansa ang mga Israelitaat pinaghati-hatian ang aking lupain.
3. Nagpalabunutan sila upang magpasyakung kanino mapupunta ang mga bihag.Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipinupang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.
20-21. Ipaghihiganti ko ang lahat ng nasawi;paparusahan ko ang sinumang nagkasala.Ang Juda at ang Jerusalem ay pananahanan magpakailanman,at ako ay mananatili sa Bundok ng Zion.”