Joel 2:18-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain,at naawa siya sa kanyang bayan.

19. Ganito ang kanyang tugon:“Bibigyan ko kayo ngayon ng butil, alak at langis,upang kayo'y mabusog.Hindi na kayo hahamakin ng ibang bansa.

20. Paaalisin ko na ang mga hukbong waring buhat sa hilaga;itataboy ko ang iba sa disyerto.At ang mga pangunahing hanay nila ay itataboy ko naman sa dagat sa silangan;sa dagat sa hilaga naman ang nasa hulihan.Aalingasaw ang baho ng kanilang mga bangkay.Lilipulin ko sila dahil sa lahat ng ginawa nila sa inyo.”

21. “Lupain, huwag kayong matakot;kayo ay magsaya't lubos na magalakdahil sa lahat ng ginawa ni Yahweh para sa inyo.”

Joel 2