Joel 1:9-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Walang butil o alak na maihahandog sa Templo ni Yahweh;kaya't nagdadalamhati pati mga pari dahil wala silang maihandog kay Yahweh.

10. Walang maani sa mga bukirin,nagdadalamhati ang lupa;sapagkat nasalanta ang mga trigo,natuyo ang mga ubas,at nalanta ang mga punong olibo.

11. Malungkot kayo, mga magsasaka!Umiyak kayong nag-aalaga ng mga ubasan, trigo at sebada,sapagkat lahat ng pananim ay pawang nasalanta.

12. Natuyo ang mga ubasan, nalanta ang mga puno ng igos;ang mga punong granada, palma at mansanas—lahat ng punongkahoy ay natuyo;at nawala ang kagalakan ng mga tao.

13. Magluksa kayo at tumangis,mga paring naghahandog sa altar.Pumasok kayo sa Templo at magdamag na magluksa.Walang trigo o alak na naihahandog sa inyong Diyos.

14. Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat.Tipunin ninyo ang mga tao.Tipunin ninyo ang matatandang pinunoat ang lahat ng taga-Juda,sa Templo ni Yahweh na inyong Diyosat dumaing sa kanya.

15. Malapit na ang araw ni Yahweh,ang araw ng pangwawasak ng Makapangyarihang Diyos.

Joel 1