8. “Ibigay sana ng Diyos ang aking hinihiling,sana'y ipagkaloob niya ang aking hangarin.
9. Higit ko pang nanaisin at aking ikagagalak ang buhay na taglay ko ay bigyan na niya ng wakas.
10. Kapag nangyari ito, ako'y liligaya,sa gitna ng pagdurusa, lulundag sa saya.Alam kong banal ang Diyos,kaya di ko sinusuway, kanyang mga utos.
11. Ang lakas ko ay ubos na, di na ako makatagal,kung wala rin lang pag-asa ay bakit pa mabubuhay?
12. Ako nama'y hindi bato, at hindi tanso ang katawan ko.
13. Ako'y wala nang lakas upang iligtas ang sarili ko,wala na akong matakbuhan upang hingan ng saklolo.
14. “Sa magulong kalagayan, kailangan ko'y kaibigan,tumalikod man ako o hindi sa Diyos na Makapangyarihan.
15. Ngunit kayong mga kaibigan ko'y di ko maaasahan,para kayong sapang natutuyo kapag walang ulan.
18. Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay,at sa gitna ng disyerto ay doon na namamatay.
19. Naghanap ang manlalakbay na taga-Tema at ang taga-Seba,
20. ngunit pag-asa nila'y nawala sa tabi ng tuyong sapa.
21. Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo;kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo.
22. Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong?Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol?