2. “Ang suliranin ko't paghihirap, kung titimbanging lahat,
3. magiging mabigat pa kaysa buhangin sa dagat;kaya mabibigat kong salita'y huwag ninyong ikagulat.
4. Ako'y pinana ng Diyos na Makapangyarihan,lason ng palaso'y kumalat sa aking katawan,galit ng Diyos, sa akin ay inihanay.
5. Walang angal ang asno kung sa damo ay sagana,at ang baka ay tahimik kung may dayaming nginunguya.
6. Ang pagkaing walang asin, may sarap bang idudulot?Mayroon bang lasa ang puti ng itlog?
7. Sa lahat ng iyan ay nawala ang aking gana,sapagkat kung kainin ko man, pilit na ring isusuka.
8. “Ibigay sana ng Diyos ang aking hinihiling,sana'y ipagkaloob niya ang aking hangarin.
9. Higit ko pang nanaisin at aking ikagagalak ang buhay na taglay ko ay bigyan na niya ng wakas.
16-17. Kung taglamig, ang ilog ay pawang yelo,pagsapit ng tag-araw, nawawalang lahat ito;ang ilog ay natutuyo, walang laman kahit ano.
18. Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay,at sa gitna ng disyerto ay doon na namamatay.
19. Naghanap ang manlalakbay na taga-Tema at ang taga-Seba,
20. ngunit pag-asa nila'y nawala sa tabi ng tuyong sapa.
21. Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo;kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo.
22. Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong?Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol?
23. Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo?Hiniling ko bang sa kaaway ay tubusin ninyo ako?