Job 40:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Job,

2. “Ang mapaghanap ba ng mali ay mangangatwiran,at sa Makapangyarihan ay makikipaglaban?Sinumang sa Diyos ay nakikipagtalo,ay dapat sumagot sa tanong na ito.”

3. Tumugon naman si Job,

4. “Narito, ako'y hamak at walang kabuluhan,wala akong maisasagot, bibig ay tatakpan.

Job 40