4. Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parangat kapag malaki na ay tuluyang lumilisan.
5. “Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno?Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino?
6. Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan,at doon sa maalat na kapatagan.
7. Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay,walang makapagpaamo at hindi mautusan.
8. Ang pastulan nila'y ang kaburulan,hinahanap nila'y sariwang damuhan.
9. “Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho?Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra?
10. Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit,at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid?