Job 38:24-29 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

24. Nakapunta ka na ba sa sikatan ng araw,o sa pinagmumulan ng hanging silangan?

25. “Sino nga ba ang humukay ng daanan ng baha?Ang landas ng kulog ay sino ang gumawa?

26. Sino ang nagbibigay ng ulan sa disyerto,kahit na doo'y wala namang nakatirang tao?

27. Sino ang dumidilig sa tigang na lupa,upang dito'y tumubo ang damong sariwa?

28. Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama?

29. Ang yelong malamig, mayroon bang ina?Sino nga kaya ang nagsilang sa kanila?

Job 38