3. Nagalit din siya sa tatlong kaibigan ni Job sapagkat hindi nila masagot ang mga sinabi nito at parang lumalabas na ang Diyos ang may kasalanan.
4. Pinakabata si Elihu sa mga naroon kaya hinintay niyang makapagsalita muna ang lahat.
7. Palagay ko'y nararapat na kayo muna ang magsalita,at mamahagi ng karunungan ang nakatatanda.
8. Ngunit ang karunungan ay saan ba nagbubuhat?Di ba sa Diyos na Makapangyarihan?
9. Ngunit hindi dahil matanda ay may pang-unawa,hindi dahil may edad na'y alam na ang tama.
10. Kaya makinig kayo ngayon sa aking sasabihin,itong aking opinyon, inyo namang dinggin.
11. âMatiyaga akong nakinig sa inyong pananalita,at habang naghahanap kayo ng mahuhusay na kataga.
12. Ngunit sa aking narinig, ako'y tunay na nalungkot,hindi ninyo napabulaanan ang sinabi nitong si Job.
13. Huwag ninyong sabihing natuklasan na ninyo ang karunungan,sa sinabi nitong si Job, Diyos lang ang may kasagutan.
14. Kayo at hindi ako ang kausap nitong si Job,kaya iba sa pahayag ninyo itong aking isasagot.