Job 31:7-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Kung ako'y lumihis sa landas ng katuwiran,o kaya'y naakit gumawa ng kalikuan,kahit na bahagya'y natukso ng kasamaan,

8. masira nawa ang aking pananim,at ang mga halaman ko'y iba na ang kumain.

9. “Kung ako ay naakit sa asawa ng iba,sa pintuan ng kanyang bahay ay inabangan ko siya,

10. di bale nang asawa ko'y sa iba magsilbi,at siya'y sipingan ng ibang lalaki.

11. Ang pakikiapid ay karumal-dumal na kasalanan, kasamaang nararapat sa hatol na kamatayan.

12. Pagkat iyon ay apoy na di mamamatay,at iyon ang tutupok sa aking buong kabuhayan.

Job 31