4. Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay,kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay.
5. Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin,at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling.
6. Masagana ang gatas mula sa aking kawan,olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan.
7. Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan,at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan,
8. kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan,mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang.
11. “Kapag ako'y nakita at kanilang narinig,sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.
12. Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan,dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.