Job 28:23-27 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

23. “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalamkung saan naroroon ang tunay na karunungan.

24. Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig;natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit.

25. Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat,ang karagatan ay itinakda niya ang sukat.

26. Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan,at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan.

27. Dito niya nakita at sinubok ang karunungan,kanyang itinatag at binigyang kahalagahan.

Job 28