18. Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay,parang kubo lamang ng mga aliping bantay.
19. Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang;pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na.
20. Mga kasawian ay parang bahang darating,tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim.
21. Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita.