Job 24:14-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw,at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang.Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw.

15. Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim,nagtatakip ng mukha upang walang makapansin.

16. Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw;ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw.

17. Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan,ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.”

18. Sinabi ni Zofar,“Ang masamang tao'y tinatangay ng baha,sinumpa ng Diyos ang kanilang lupa;sa ubasan nila'y ni walang mangahas magsaka.

Job 24