Job 22:18-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala;di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama.

19. Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalakkapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.

20. Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok,at ang mga ari-arian nila ay natupok.’

21. “Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya,ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.

22. Makinig ka sa kanyang itinuturo,mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso.

Job 22