Job 15:20-30 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

20. “Ang taong mapang-api at punong kasamaan,laging nasa ligalig habang siya'y nabubuhay.

21. Lagi siyang makakarinig nakakatakot na tinig,papasukin siya ng tulisan kung kailan siya'y tahimik.

22. Hindi siya makakatakas sa lagim ng kamatayanpagkat mayroong tabak na sa kanya'y nag-aabang.

23. Mga buwitre'y naghihintay upang kainin ang kanyang bangkay,alam niyang madilim ang kanyang kinabukasan.

24. Takot ang naghahari sa buo niyang katauhan,parang laging hinahabol ng haring makapangyarihan.

25. “Ganito ang sasapitin ng taong nagyayabangat ng humahamon sa Diyos na Makapangyarihan.

26-27. Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuwayat ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag,at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal.

28. Siya ay nanakop ng maraming bayan,mga bahay na nilisan ay kanyang kinamkam,ngunit mga iyon ay mawawasak pagdating ng digmaan.

29. Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal,maging ang buhay niya'y madali ring papanaw.

30. Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob,siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog,na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin.

Job 15