Jeremias 5:29-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. “Dahil dito'y paparusahan ko sila; maghihiganti ako sa kanilang bansa. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.

30. Nakakapangilabot at nakakatakot ang nangyari sa buong lupain.

31. Pawang kasinungalingan ang pahayag ng mga propeta; ang kanilang utos ang sinusunod ng mga pari, at hindi naman tumututol ang aking bayan. Subalit ano ang gagawin ninyo kapag nagwakas na ang lahat?”

Jeremias 5