Jeremias 48:3-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Dinggin ninyo ang pagtangis sa Horonaim;dahil sa karahasan at pagkawasak.

4. “Wasak na ang Moab.Iyakan ng mga bata ang siyang maririnig.

5. Sa pag-akyat sa Luhit,mapait na tumatangis ang mga mamamayan;pagbaba sa Horonaim,naririnig ang paghiyaw ng ‘Kapahamakan!’

6. Tumakas kayo, iligtas ninyo ang inyong buhay,gaya ng mailap na asno sa disyerto.

7. “Mga taga-Moab, dahil nagtiwala kayo sa inyong lakas at kayamanan,kayo'y malulupig din;at dadalhing-bihag ang diyus-diyosan ninyong si Quemos,pati ang kanyang mga pari at mga lingkod.

8. Papasukin ng tagawasak ang bawat lunsod;at walang makakatakas.Mawawasak ang kapatagan at ang libis ay guguho.

9. Lagyan ninyo ng puntod ang Moab,sapagkat tiyak ang kanyang pagbagsak;mawawasak ang kanyang mga lunsod,at wala nang maninirahan doon.”

Jeremias 48