15. Huwag ka nang umiyak dahil sa iyong sakit;wala nang lunas ang sugat mo.Ginawa ko ito sa iyosapagkat matindi ang iyong kasamaanat napakarami mong kasalanan.
16. Gayunman, lahat ng umapi sa iyo ay aapihin;lahat ng iyong kaaway ay bibihagin din.Nanakawan ang nagnakaw ng kayamanan mo.Ang bumiktima sa iyo ay bibiktimahin din.
17. Ibabalik ko ang kalusugan mo,at pagagalingin ang iyong mga sugat.Kayo'y tinawag nilang mga itinakwil,ang Zion na walang nagmamalasakit.”
18. Sinabi pa ni Yahweh:“Muli kong ibabalik ang kasaganaan sa lipi ni Jacob.Kahahabagan ko ang buong sambahayan niya.Ang lunsod na winasak ay muling itatayo,at muling itatayo ang bawat gusali.
19. Ang mga tao roon ay aawit ng pasasalamatat magkakaingay sa kagalakan.Sila'y aking pararamihin;pararangalan ko sila at wala nang hahamak sa kanila.
20. Ibabalik ko ang kanilang dating kapangyarihan,at sila'y magiging matatag sa aking harapan.Paparusahan ko ang lahat ng mang-aapi sa kanila.