Jeremias 23:29-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. “Parang apoy ang aking salita at katulad ng martilyo na dumudurog sa malaking bato.

30. Ako'y laban sa mga propetang gumagamit ng salita ng ibang propeta at sinasabing iyon ang aking mensahe.

31. Ako'y laban sa mga propetang kumakatha ng sariling salita at pagkatapos ay sasabihing galing iyon kay Yahweh.

32. Ako'y laban sa mga propetang nagsasalaysay ng kasinungalingan upang dayain ang aking bayan. Hindi ko sila sinugo at wala silang kabutihang magagawa sa bayang ito.”

Jeremias 23