9. At ang isasagot sa kanila, ‘Sapagkat hindi nila tinupad ang kasunduan nila ni Yahweh na kanilang Diyos; sa halip, sumamba sila at naglingkod sa mga diyus-diyosan.’”
10. Huwag ninyong iyakan ang isang taong patay,o ikalungkot ang kanyang kamatayan.Sa halip, tangisan ninyo si Sallum,sapagkat siya'y dinalang-bihag, at hindi na magbabalik.Hindi na niya makikita pa ang lupang kanyang sinilangan.
11. Ito ang pahayag ni Yahweh tungkol kay Sallum na humalili sa kanyang amang si Josias bilang hari ng Juda, “Umalis siya ng Juda at hindi na magbabalik.
12. Doon na siya mamamatay sa lugar na pinagdalhan sa kanya bilang bihag, at hindi na niya makikita pang muli ang kanyang bayan.”
13. “Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pandaraya,at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang.Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.