7. Magpapadala ako ng mga wawasak dito; may dalang palakol ang bawat isa. Puputulin nila ang mga haliging sedar nito at ihahagis sa apoy.
8. “Magtatanungan ang mga taong magdaraan dito mula sa iba't ibang bansa, ‘Bakit ganyan ang ginawa ni Yahweh sa dakilang lunsod na ito?’
9. At ang isasagot sa kanila, ‘Sapagkat hindi nila tinupad ang kasunduan nila ni Yahweh na kanilang Diyos; sa halip, sumamba sila at naglingkod sa mga diyus-diyosan.’”
10. Huwag ninyong iyakan ang isang taong patay,o ikalungkot ang kanyang kamatayan.Sa halip, tangisan ninyo si Sallum,sapagkat siya'y dinalang-bihag, at hindi na magbabalik.Hindi na niya makikita pa ang lupang kanyang sinilangan.
11. Ito ang pahayag ni Yahweh tungkol kay Sallum na humalili sa kanyang amang si Josias bilang hari ng Juda, “Umalis siya ng Juda at hindi na magbabalik.
12. Doon na siya mamamatay sa lugar na pinagdalhan sa kanya bilang bihag, at hindi na niya makikita pang muli ang kanyang bayan.”
13. “Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pandaraya,at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang.Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.
14. Sinasabi pa niya,‘Magtatayo ako ng malaking bahayna may malalaking silid sa itaas.Lalagyan ko ito ng mga bintana,tablang sedar ang mga dingding,at pipinturahan ko ng kulay pula.’
15. Kung gumamit ka ba ng sedar sa iyong bahay,ikaw ba'y isa nang haring maituturing?Alalahanin mo ang iyong ama; siya'y kumain at uminom,naging makatarungan siya at matuwid;kaya siya'y namuhay na tiwasay.
16. Tinulungan niya ang mga dukha at nangangailangan,kaya pinagpala siya sa lahat ng bagay.Pinatunayan niyang ako'y kanyang nakikilala.