1. Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na sina Moises at Samuel ang makiusap sa harapan ko, hindi ko kahahabagan kahit kaunti ang mga taong ito. Paalisin mo sila; ayoko na silang makita.
2. Kapag itinanong nila sa iyo kung saan sila pupunta, sabihin mong itinakda na ang kanilang hantungan:Ang iba sa kanila'y mamamatay sa sakit.Masasawi naman sa digmaan ang iba.Ang iba'y sa matinding gutom.At bibihagin ng mga kaaway ang iba pa!