1. Ikaw ay matuwid, Yahweh,at kung ako ma'y mangatwiran, mapapatunayan mong ikaw ay tama.Ngunit bayaan mong magtanong ako.Bakit nagtatagumpay ang masasamang tao?At ang mandaraya ay umuunlad?
2. Sila'y itinatanim mo at nag-uugat,lumalago at namumunga.Maganda ang sinasabi nila tungkol sa iyosubalit malayo ka sa kanilang mga puso.