Jeremias 10:4-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. at pinalamutian ng ginto at pilak.Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.

5. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid,hindi nakakapagsalita;pinapasan pa silasapagkat hindi nakakalakad.Huwag kayong matakot sa kanilasapagkat hindi sila makakagawa ng masama,at wala ring magagawang mabuti.”

6. Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh;ikaw ay makapangyarihan,walang kasindakila ang iyong pangalan.

7. Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa?Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan.Kahit na piliin ang lahat ng matatalinomula sa lahat ng bansa at mga kaharian,wala pa ring makakatulad sa iyo.

8. Silang lahat ay pawang hangal at mangmang.Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy?

9. Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis,at ng gintong mula sa Upaz,ginawang lahat ng mahuhusay na kamay;pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pulana hinabi naman ng manghahabing sanay.

Jeremias 10