3. Sinipingan ko ang aking asawa. Siya'y naglihi at nanganak ng isang lalaki. At sinabi sa akin ni Yahweh: “Ang ipangalan mo sa kanya'y Maher-salal-has-baz.
4. Sapagkat bago pa siya matutong tumawag ng ‘Tatay’ o ‘Nanay,’ ang kayamanan ng Damasco at ang mga nasamsam ng Samaria ay dadalhin ng hari ng Asiria.”
5. Sinabi pa sa akin ni Yahweh:
6. “Sapagkat tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng Siloe na umaagos nang banayad,at nangangatog sila sa harapan ni Rezin, at ng anak ni Remalias;