Isaias 63:17-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?Balikan mo kami at iyong kaawaan,mga lingkod mo na tanging iyo lamang.

18. Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway;winasak nila ang iyong santuwaryo.

19. Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan;ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.

Isaias 63