12. Sinabi ni Yahweh,“Ako ang nagbibigay ng iyong lakas.Bakit ka matatakot sa kapwa mo tao?Mamamatay rin silang tulad ng damo.
13. Bakit mo nilimot si Yahweh na lumikha sa iyo—siya na naglatag ng kalangitanat naglagay ng pundasyon sa mundo?Bakit lagi kang takot sa nang-aalipin?Dahil ba sa galit sila sa iyo,at gusto kang puksain?Ang galit nila'y huwag mong pansinin.
14. Hindi na magtatagal at ang mga bihag ay palalayain,mabubuhay sila nang matagalat hindi magkukulang sa pagkain.
15. Ako nga si Yahweh, ang Diyos na sa iyo'y lumalang.Aking hinahalo ang pusod ng dagatkaya umiingay ang mga alon.Ang pangalan ko'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
16. Itinuro ko na sa iyo ang aking salita, upang ito'y maipahayag mo;at iingatan ka ng aking mga kamay.Ako ang naglatag nitong kalangitan,pati mga pundasyon ng buong daigdig, ako rin ang naglagay;sabi ko sa Jerusalem, ‘Ikaw ang aking bayan.’”