Isaias 50:4-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin,para tulungan ang mahihina.Tuwing umaga'y nananabik akong malamankung ano ang ituturo niya sa akin.

5. Binigyan ako ng Panginoong Yahweh ng pang-unawa,hindi ako naghimagsiko tumalikod sa kanya.

6. Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako,hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako.Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbasat luraan ang aking mukha.

7. Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin,sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin.Handa akong magtiis,sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya.

Isaias 50