Isaias 48:3-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Sinabi ni Yahweh sa Israel,“Noong una pa'y alam ko na kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay bigla ko itong isinakatuparan.

4. Alam kong matitigas ang inyong ulo,may leeg na parang bakal at noo na parang tanso.

5. Kaya noon pa,ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo,upang kung maganap na'y huwag ninyong isipinna ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito.

6. “Lahat ng pahayag ko ay pawang natupad,inyo nang kilalanin ang katotohanan nito.Ngayo'y may ihahayag akong bago,mga bagay na hindi ko inihayag noon.

7. Ngayon ko pa lamang ito gagawin;wala pang pangyayaring katulad nito noonpara hindi ninyo masabing ito'y alam na ninyo.

8. Alam kong hindi kayo mapagkakatiwalaan,sapagkat lagi na lamang kayong naghihimagsik.Kaya tungkol dito'y wala kayong alam,kahit kapirasong balita'y walang natatanggap.

9. “Dahil na rin sa karangalan ko,ako ay nagpigil,dahil dito'y hindi ko na kayo lilipulin.

Isaias 48