3. Malalantad sa mga tao ang hubad mong katawan,mabubunyag ang kahiya-hiya mong kalagayan.Walang makakapigil sa aking gagawin.Ako'y maghihiganti.”
4. Ang Diyos ang siyang nagligtas sa amin, siya ang Banal na Diyos ng Israel.Ang pangalan niya ay Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat.
5. Sinabi ni Yahweh sa Babilonia,“Maupo ka na lang at manahimik doon sa dilim,sapagkat ikaw ay hindi na tatawaging reyna ng mga kaharian.
6. Nang ako'y magalit sa mga lingkod ko,sila'y aking itinakwil;aking pinabayaan na masakop mo at maging alipin.Pinarusahan mo silang walang awa,pati matatanda'y pinagmalupitan mo.
7. Sapagkat akala mo'y mananatili kang reyna habang panahon.Hindi mo na naisip na magwawakas ito pagdating ng araw.