Isaias 45:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. Ibibigay ko sa iyo ang nakatagong mga kayamanan at alahas;sa gayon, malalaman mong ako si Yahweh,ang Diyos ng Israel, ang siyang tumawag sa iyo.

4. Tinawag kita sa iyong pangalan,alang-alang sa aking lingkod na si Israel na aking hinirang.Binigyan kita ng malaking karangalan,kahit hindi mo ako nakikilala.

5. Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba;palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala.

6. Ginawa ko ito upang ako ay makilalamula sa silangan hanggang kanluran,at makilala nila na ako si Yahweh,ako lamang ang Diyos at wala nang iba.

Isaias 45